November 2017 | Nikubu's House

Saturday, November 25, 2017

0 Gusto Kita Pero


Isang araw nagulat ako ng sambitin mo ang salitang “Gusto Kita”
Hindi ko alam pero parang bigla akong nawala sa sarili
Yung pakiramdam na para akong lumulutang sa langit
Yung tipong nanalo ka ng jackpot na hindi ka naman tumaya

Hanggang sa araw araw mong sinasabi ang salitang yan
At araw araw mo ding pinaparamdam sa akin yan
Bawat bitaw mo ng mga katagang yan natutulala ako
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sayo

Hanggang sa nasanay ako sa salitang “Gusto Kita”
At dumating na sa puntong “Gusto na din kita”
At aminin kung ano ang nararamdaman ko sayo
Ngunit tanong ko saking sarali kung tama ba ito.

Kung tama bang sabihin ko sayo ang nararamdaman ko
O ilihim nalang ang mga ito kung ang salitang
“Gusto Kita” ay may kasunod na “Pero May Mahal Ka Nang Iba”

Oo “Gusto kita, Gustong Gusto Kita, Pero May Mahal Ka Nang IBa”
your ad here

eNews & Updates

Sign up to receive breaking news
as well as receive other site updates!

Recent Posts

Powered by Blogger.